Filipino >>
Amangpintor, Tampok sa Makulay na Pagdiriwang ng Buwan ng Sining


Nueva Ecija – Sa pagpasok ng Pebrero nitong 2025, na kinikilala bilang Buwan ng Sining, hindi matatawaran ang ambag ng tanyag na pintor ng Pilipinas na si Amangpintor sa pagpapalaganap ng sining sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Sa kabuuan ng buwan, naging abala si Amangpintor sa iba’t ibang gawaing pansining. Tampok dito ang kanyang aktwal na pagpipinta, pagganap bilang hurado sa mga patimpalak sa pagpipinta sa buong Nueva Ecija, at pagbibigay kaalaman sa sining sa iba’t ibang paaralan, unibersidad, at bayan.

Bukod sa kanyang mga natatanging obra, patuloy niyang ipinapasa sa bagong henerasyon ang kahalagahan ng sining bilang bahagi ng kultura at identidad ng Pilipino. Ang kanyang dedikasyon ay patunay na ang sining ay hindi lamang isang likhang sining kundi isang paraan ng pagpapahayag at pag-unlad ng ating lipunan.



See more News



SAMAHANG MAKASINING(Artist Club), INC.
San Jose City, Nueva Ecija, Philippines
my email: amangpintor@yahoo.com
webiste: http://www.makasining.org

Locations of visitors to this page