Nakakatuwa, katititig sa bundok, sa tubig, sa langit, ulap at sa hamog tuwing hapon natutunan ko tuloy gumawa ng kulay bughaw. Nakakatuwa, ang kulay luntiang burol paghinaluan ng hamog nagkukulay mapusyaw-asul. Mga natural na paghahalo ng kulay "color mixing" ay taglay ng kapaligiran, nagpapaganda at nagbibigay kabuluhan sa daigdig. - pinaghuhugutan ko ng inspirasyon.
Wala iba ring sumasagi sa aking alala kapagpinag-usapan ay ang unang kulay at gulay na drawing ko noong ako ay bata. Talong na kulay violet. Makulit si Mam noon gustong gusto ako pinagdo drawing ng mga gulay. Tanda ko rin na may nakahanda na siyang bakatan "patern" ng mga drawing na gulay, sa simula ay bakat-bakat, sa susunod kulay-kulayan at sa huli anog na kahit walang bakatan. Naalala ko yang mukha ni Mam na laging nakangiti, kaya walang takot pagpasok sa kanyang klase. Isa siya sa kumulay sa buhay ko noong buhay-kinder ko, salamat Mam Rossana U., kayo ang kulay orange ng buhay ko.
Grade 2 ko, ipinasok ako na scholar ng World Vision. Dito tuluyang nalinang ang kapurit na kaalaman sa sining dahil sa papuri ng naturingang poster parent. Family Brown, Sila ang kulay maroon ng aking buhay.
Sir Sarmiento noong grade six ako, isinabak rin ako sa contest ng DENR ukol sa kalikasan, pinalad naman ako mag-3rd, pero natutunan ko sa panahon na yon kung paano ihanda ang sarili sa gayong patimpalak. Violet siya ng buhay ko.
High School sa SAS, Grabe!, dumarami na ang mga tertiary color sa paligid ko. Nasaan na kaya si Jerry Iniwan, si Poe mga magagaling sa sining na hingaan ko atleast si Mam Marie nakikita ko pa sa Pantabangan. Unang exhibit namin sa SAS sa impluwensa ni Ninong Esing at ni Tilog, SINAG-TALA pa nga ang pangalan ng grupo namin sa sining noon. Una ko ring nakita noon si K Noel Dumlao noong dumalaw siya sa school. Sa una pa man mahiwaga na ang dating niya sa akin, parang ermitanyo. Nakikita ko noon sa kanila ang tunay na sining at pagbabahagi, na naging batayan ko upang bumalik sa bayan at magturo ng sining. Buti nga rin at nasa likod ko ang REAMCAR group namin "Rey Largo, ako Elito, Aldren Dullas, Manuel Pandarawan, Crisencio Villa, Andres Linsangan, Rey Dela Cruz" - San na kaya barkada ngayon.
Sa Kolehiyo, CLSU, matitingkad na kulay ang kumulay sa buhay ko, isa na si Ninong Saturnino De Asis na nagbigay ng puwang sa akin upang magkaroon ako ng kauna-unahang estudyante na nag-exhibit at parangal sa pamantasan. Ang Artist Club, dito na rin umikot ang buhay-estudyante ko, hinabi ako ng malalim na pagkakaibigan at kapatiran at mga kaibigan sa AKDA.
Kumulay din ang buhay ko sa lugar ng Fisheries sa sa CLSU sa pagiging working student assistant - Si Graham Mair ang malaking impluwensya pagdating sa computer graphics, si Mam ? naman sa lotus programming at si Mathias Halwart naman sa Statistical Analysis at graphics at pakikitalamuha sa mga matataas na taong mula sa ibang bansa.
Syempre Si tata guro ko sa sining, si ina naman ang sa advertisment at mga kapatid ko na nagsilbing tulay at gabay ko upang harapon ang bukas, sila ang mga primary color ng buhay ko. At ngayong panahon dumagdag na rin dito ang kulay pula ng buhay ko ang aking mahal na kabiyak na si Teresita at mga anak kong si Elika bilag pink at Meiggan bilang bughaw.
|