Nagtatampo na ang mga espiritu ng ating mga ninuno, sa halip na sila ang hingan natin ng tulong pang emosyonal at espirituwal sa mga problema natin sa buhay, sa mga dayuhan pang hindi naman natin ninuno, iba ang kultura, iba ang kaisipan. kung may santong nagpalaganap ng kasaysayan, may ermitanyo tayong nangangalaga ng dakilang kalikasan.
Kung may San Miguel na anghel, may espiritu ng mga magulang, kapatid na pumanaw at nimuno ring "gabaraw" o gumagabay sa araw-araw. Sino nga ba ang magmamalasakit sa atin kundi ang ating mga magulang at mga ninunong paumanaw na. Ilan ba ang santo? ilan ba ang tao sa mundo. At least magulang o ninuno natin maaasikaso agad tayo.
Hindi atin mapipigilan o hilingin sa Maykapal na walang sakuna sa mundo. Dahil ito ang paraan ng pagbabago at muling buhay subalit nagtalaga Siya sa bawat isa sa atin ng gabaraw upang ilihis tayo sa sakuna kung kinakailangan.
Sa panahon ngayon bumabalik na yata ang panahon ni Moises kung saan ang mga sakuna ay madalas nang dumating, mga imaheng pinag-uunaunahang punasan ng puting panyo at hinahalikan kahit buhay ang kapalit. Hinahayaan lang ng mga lider kahit alam nilang kapareho na ito ng panahon ni Moises. Baka mabawasan nga naman kasi ng alagad kung walang kadinang paniniwala o mga ALIPISIP.
Ano ba talaga ang mahalaga sa ngayon? Ang ngayong buhay na binubuhay ng himala o ang himala sa kabilang buhay? Pinahiraman tayo ng buhay dito sa mundo, pero halos ayaw na natin itong ibalik at minsan nagagalit pa tayo sa Nagpahiram kapag ito ay binawi na, bawat hiram na buhay ay may panahon para ibalik, may kasunduan na sadyang maikli at may kasunduan na sadyang mahaba. Mahaba man ito, nakadependa pa rin tio sa kasunduan.
At higit na alam na ito ng ating mga ninunong gabaraw. Mananatili silang gabaraw at hindi pupunta sa kabilang buhay hanggat sila ay may binabantayan at inaalagaang buhay. Ang Ermitanyong makasining ang tagapamagitan at tulay ng ugnayan ng kalikasan at ng ating mga ninuno.
Pagbahalagahan sana natin ang ating mga magulang o mga ninuno na pumanaw na at huwag katakutan, dahil sila ang ating higit na GABARAW..
|